Posted in Uncategorized on November 21, 2009 by Lamberto Acyatan

Davao Sculpture V2

sining konseptuwal guhit eskultura at pinta

Posted in Uncategorized on September 18, 2009 by Lamberto Acyatan

Studies using pastels 5

simpleng estilo para makaguhit ng mata gamit ang pastels

Posted in Uncategorized on September 18, 2009 by Lamberto Acyatan

Studies using pastels 4

mag-aral gumuhit gamit ang pastels

Posted in Uncategorized on September 16, 2009 by Lamberto Acyatan

Studies using pastels 3

Tuloy ang guhit ng kamay upang ang isip ay sumabay.

Posted in Uncategorized on September 16, 2009 by Lamberto Acyatan

Studies using pastels 2

Posted in Uncategorized on September 15, 2009 by Lamberto Acyatan

Studies using pastels 1

kailangan na tuloy-tuloy ang pag-guhit upang makatuklas pa ng ibat-ibang idea.

3 Pahina

Posted in pinta-tulo on June 3, 2009 by Lamberto Acyatan

Pintang-patulo din ang makikita dito. “Portrait” ito ni “John Lennon”.
Dito mas disiplinado ang lag-lag ng pintura kaysa sa “2 Pahina”. Bagamat mas maliit ang sukat ng “canvas” na ginamit.

2 Pahina

Posted in pinta-tulo on June 3, 2009 by Lamberto Acyatan

Simula ng magkaisip. Simula ng magkalasa. Gatas na ang hawak pagkagising pa lang sa umaga. Pero mas gusto ko yong kondensada. Pampalaman sa tinapay. Dito ko ginamit yong prinsipyo ng gatas na makalinya paikot sa tinapay. Kaya sa pagpipinta ay ginamit ko itong idea. Sabihin na natin na kaparehas ng kay Jackson Pollock ang proseso, pero mas nadidisiplinado ang takbo ng pintura. Dito, mararanasan na mas mabilis ang isip kaysa sa kamay. Binutasan ko rin ang lata ng pintura para makatakbo ng maayos ang hangin sa loob ng lata. Kinakailangan lang na mas mayapot ang pinturang gagamitin. “Automotive Lacquer” ang ginamit kong pintura dito. Maaaring mas maayos ito gamitin kaysa “enamel”. Sa unang sabak ay mapapansin na kaliwang kamay ang ginamit sa pagpapatulo ng “lacquer”. Nang mapagod na ang kaliwang-kamay ay inilipat naman ito sa kanang-kamay upang magtuloy-tuloy ang proseso’ng idinikta ng isip sa mga kamay.

Sa gitna ng proseso ay nagtatalo ang dalawang isip kung alin sa kanila ang tatapos. Parang mga batang mag-kapatid na nagkakarera papauwi ng bahay, na kung sinong mauna ay siya ang panalo.

At nang matapos ay pagod na pagod. Parang naglaro ng “chess” habang nagba-”basketball”. Tuloy parang kasusuplado ng makatapos sabay pakita, sabay latag.

Harinawa ito ay iyong maibigan.

Salamat sa iyong panahon.

Sa muli.

Unang Pahina

Posted in drawings with tags on April 6, 2009 by Lamberto Acyatan

Bata pa lang ako noon ay mahilig nang gumuhit, tatlong taon pa lang daw ako noon ay lapis na ang hawak. Marahil ay ganito na ang pang-araw-araw na sitwasyon kong nakikita noon sa aming munting bayan ng maka-sining ng Paete. Kaya siguro marahil na ako ay naging ganito.